Blogging is a Burden <body>
9/17/07
2 down, 8 more to go

yes, tapos na ang 2nd term. third term na ng la salle sa january7 up to april third week. kamusta naman un?! 1 month lang summer vacation. pero okay na rin, kasi 3years lang, graduate na. san ka pa diba? pero syempre, hirap non is magsusuffer ang bakasyon.. 1week lang ang term break. pero dahil ang mundo mo lang is la salle, okay na rin.
in fairness, namiss ko blogging. para bang ang tagal kong nawala.. kaya naisipan kong magpalit na ng skin. babai sodium! you'll always be in my heart. <3
iniisip ko, ang dami nang nagyari sa buhay ko. masyadong magtatagal kung isusulat lahat. but anyway, eto ako ngayon. bakasyon. parelax-relax. pero ayon. ewan. haha.
hinanakit ko for the last term? tredone siguro un. ambaba niyang magbigay ng grade eh. iilang lang ung naka 3.5.. at walang na 4! kamusta naman un? kaya naman hindi ako nakonsensya sa dami ng cuts ko sa kanya nung nakita ko grade ko.. ganon pala. oh well, wala na naman akong magagawa. tapos na ang 2ndterm. akala ko hindi ako aabot pero umabot pa pala ako sa privelage ng unlimited number of cuts! oh yeah! ganong kasi pagDL sa lasalle.. kahit gaano karaming cuts, ayos lang. :D haha. naaalala ko tuloy ang 2ndyr ko sa pisay.. haha. no regrets dun. >:P
pero kung iisipin mo, ang gulo sa unang tingin ng taft.. pero ayos na rin. sanayan lang siguro. namiss ko rin QC.. Pisay itself. pero ayos na rin para mafameliarize naman sa main manila. hindi naman ako madalas lumabas ng bahay.. hanggang robinsonsplace lang. mas malapit pa rin un kung tutuusin sa moa. tsaka mapapagastos ka talaga sa moa.. pero may midtown na bagong bukas. eh may timezone. kaya ubos talaga pera. XP
un nga palang thridterm, iiimplement na ung 4day sked. as in monday-thurs na lang pasok namin.. except for nstp na every saturdays pa rin. anyway, medyo mabigat na load sami ung kasi trisem is mahirap na, what more kung isisiksik pa lahat in fours days?! naman. paano na kami non diba? oo nga, wala ngang pasok pagfriday.. pero saturday meron naman :( sana minove na lang talaga sa friday ung nstp para ayos, lalo na samin na umuuwing province pag weekends. anyway, pagtapos naman nitong rotc, 4day sked na lang talaga. haha. sana makayanan ang siksik na sked. XP
Belated Merry Christmas nga pala and Advance Happy New Year!:D
sorry ang sabog ng entry na toh.. haha!:P

7/19/07
bakit ngayon lang?

bakit nga ba ngayon lang? kasi naman. mali pala ung mga inakala ko sa kanya. kasi naman si sir eh. bakit ngayon lang siya naging kwela? hay naku. kala ko talaga before, siya na ung HATEST prof ko. un pala, magiging favorite ko pa pala siya.. talaga nga naman. tas ngayon, patapos na ang term.
bakit kasi ngayon lang siya nagkwento tungkol sa life niya? bakit ngayon lang siya nakipag-interact sa students? wahh.. naiiyak ako. sana na-una na lang ung discussion kanina para hindi tuloy un ung mga pinaglalagay ko dun sa evaluation. oh well.
ayoko nang ispecify ung name niya, baka kasi mamaya-maya isearch niya sarili niya sa google tas blog entry ko pa ung unang lumabas.
anyway, kala ko talaga before ala syang puso sa mga students niya. tas unfair pa siya infairness sa recitation sa class kasi laging nagstastart sa "A" so lagi akong natatawag. once lang natawag lahat, at kamon. akala mo naman isang simple recitation lang. after lang non tsaka lang nya sinabi na "un na ung midterms niyo sakin".. grabe. para bang ewan. hindi talaga un makatarungan. super surprise midterms un ah! bigla-biglaan na lang niyang sasabihin un?.. At dahil doon, mas lalo ko pa syang naging hate. SOBRA. as in parang gusto ko na siyang ilublob sa kumukulong mantika.
shit.
tas after non, nung reporting na, bininyagan ba naman daw ba ako?? ako raw si "Yellow 4".?? dahil nakayellow 2ndyr batch shirt ako. ung pa naman ung "07 UP" na mukhang "7 UP" kaya mukha akong kargador ng softdrinks. un na kasi ung nadukot ko na extra-shirt eh. kaya ayon. kaya raw yellow 4 ay dahil dati sa BIOMAN, sa channel ibc13 un dati kasabay ng maskedriderblack, eh meron dung character na yellow4. basta sila ung mga bilog ang ulo na umiilaw ang mata na power rangers japanese version.. pinagtripan daw ba ako? ako ung tinawag. kasi pagaka hindi ko nasagot ung tanong niya, minus don sa mga nagreport. eh feeling ko naman nasagot ko nang maayos. tanong niya ano ang definition ng table. sabi basta siya ung usual pinagpapatungan ng things.
tas biglang "minus 1".. OMG. mali ba sinabi ko?! oh kamon. tae, ang patalo ko naman kung ganon. tas tinawag niya ulit ako.. nakalimutan ko ung tanong, pero alam kong nakasagot ako ng tama this time. "minus 1" again. nagtaka na ko non kasi akala ko ang usapan is kung mali ung sagot ng classmates. grabe. nantritrip na talaga siya non. whether tama o mali sagot mo,, isang malaking MINUS 1 ang katapat. buti na lang ung isa, narinig niya kasi ung sagot ko. tumahimik na lang ako non. haha. XP kaya naman pala niya minaminusan ng 1 is kasi raw kung mali ung sagot ng student, ibig sabihin hindi naiintindihan ung report ng reporters. at kung tama naman, mas may alam pa raw ung class kaysa sa reporters.. may point siya don kaso nga lang edi kung ano nga ang isagot eh laging may minus 1. kamusta naman un diba?
so ayon, kanina philo nanaman. naiirita na ako sa yellow4 kaya sinigurado kong hindi ako nakayellow. peste. may hindi na raw ako si yellow4, pink5 na! waahh. ayoko na.
kaso, lumaon nang lumaon ang discussion namin kanina. hanggang sa napunta kami sa grade na 4.0 sa philo. may nagtanong kasi kung mapapakita mo ba sa resume kung 4.0 ka sa philo kasi parang isang WOAH pagka nga naman na 4.0 mo ang philo niya. tas sabi niya wag daw kaming pupunta ng ayala.. tas gusto pa niya secret un. kaso sinabi rin niya. pajoke niyang sinabi.. may fiance sya dati. kaso nga lang "nakabuntis raw siya.." SHOCKING. super ewan ko ba. gulat ako ha. kaya naman pala dati makaPRO siya sa PMS. :)) JOKE!!
anyway, sinabi niya na nakapundar na nga sila ng bahay eh. kaso nga lang nangyari un. binigay na lang niya lahat sa EXfiance nya. kaya aun. ung nabuntis niya ung asawa niya ngayon. shit. bakit niya nagawa un eh engaged na siya? shit. ang **** niya! shit talaga! super sinisympathyze ko ung EXfiance niya...
at kaya ayaw niya kaming papuntahing ayala dahil kung mag-aaply kami at malaman na siya un prof sa philo, for sure hindi na kami tatanggapin.
so ayon. grabe. nawindang ako sa story niya. 20+ lang siya pero ang dami na niyang napagdaanan. grabe talaga.
sa totoo lang, dahil sa mga simpleng kwentuhan na un, nakita ko na hindi naman talaga siya terror eh. nagpapa-effect lang para siguro matakot kami sa kanya. ok rin naman siyang prof eh. i mean, hindi kayo nagkakalayo kasi malapit lang age-gap compared sa iba. tsaka nagjoJoke na siya in fairness! kaya tuoy paganda nang paganda ang discussion sa philo. grabe talaga
before, love and hate ko ang philo. ngayon, love raise to 2 na ang philo!! wohoo!~ sobrang saya.
kaso nga lang. bakit ngayon lang siya naging ganito.. kung kelan patapos na ung term. kung kelang patapos na ang IntPhilo..
To sir Jcube, sobrang dami niyo na nang napagdaanan. pero hanggang ngayon, nakatayo pa rin kayo. kaya bilib ako sa inyo. kaso toot pa rin. wah. hehe. anlabo. haha
im loving philo more ang more because of you! naks naman. yak walang ibang meaning yan ah. hehe. seryoso lang talaga. minsan lang talaga naaasar ako kasi ang pilosopo ng mga tao. naiirita ako. sa puro common sense na lang. sana wala na ung pagkuha ng number of gametes.
wah. wala na akong masabi. di niyo toh mabasa. wah. anlabo. ~end

manood na lang ng pisay movie!
http://youtube.com/watch?v=zuXGrIWDZ5I
~link ng trailer
sana ay makapunta ako sa 21. sana rin ay manalo lasalle sa sunday.


6/23/07
orgs. and hinanakits.

LPEP pa lang, natuwa na ako sa mga orgs na nakita ko, syempre lalo na ung sa mga CAO groups kasi talaga namang magaling magperform. hehe.
anyway, ayoko nang pahabain itong entry ko na toh. kaya ililist-down ko na ung mga orgs ko:

1. chorale
2. math circle
3. rotaract
4. sophia
5. santugon
6. tapat, ang balimbing ko!! santapat!XP
7. englicom
8. chemsoc*
9. cso
10. GK

shit man. ang dami ko palang sinalihan! ung chemsoc pinipilit ko pang sumali kahit na tapos na ung recruitment week. haha. sa dami ng orgs ko, iilan lang ung mapraprioritize ko nyan. naisip ko kasi na gusto ko ng maging active sa college kaya ako sumali sa mga yan. haha.
tas grabe, balimbing pa ako. haha. eh kasi naman, hindi ko pa alam kung ano ba talaga, kung santugon or tapat. political parties nga pala sila. ung santugon kasi ang ganda nung ino-offer nila. as in. kaso ung tapat naman, ang dami nang nagawa for the school. kaya talaga namang malakas ang boses nila kung tutuusin. kaya ko sinalihan both is para malaman ko kung ano ba ung side ng bawat isa so pagka 2ndyr na, alam ko na kung saan ko. nun ngang friday naglalakad lang ako sa sjwalk tas bigla akong kinausap ni mamu meg tas sinabihan niya akong pumunta daw ako for screening. yak, baka magaya ako sa kanila na para bang mga robot.XP nyak. haha.
grabe. acads pa nga lang hindi ko na ma-ayos sarili ko, tas sinamahan ko pa nang sangkatutak na orgs! grabe.
ayoko nang umuwi ng bahay para magconcentrate na lang ako sa acads.. kasi mas nakakapag-aral pa ako pagka andon dahil ang daming distractions sa bahay. waah.

onga pala.

ang saya-saya ng kaspil ever! haha!
para bang feeling ko highschool nanaman ako. grabe. super reporting.
para bang bumabalik ang memories of sir jogon and mam cion. ang tatamad talaga ng pinoy teachers ever. iilan lang ung mga kakilala kong hindi nakaka-antok gaya ni mam ephree.:D
grabe, ang laki ng hinanakit namin ni anne sa kaspil.
hay naku. nadebelop nga ang pagiging makabayan ko. >:P

in fairness to philo, sumaya na sya kasi nagdidiscuss na siya.:D
kaso feeling ko talaga ang malas if your surname start with the letter A.
favorite niya kaming tawagin. once na tinawag na si jenny, sobrang kumakabog na ung dibdib ko. ilang beses na rin akong hindi nakasagot sa questions niya. nakakabaliw. haha. ayoko na. ayokong bumagsak ng philo!

at ang trig. ang kulit ng prof ko. dapat nagpractice na lang kaming magsagot instead of giving the definitions ng bawat topic. grabe tuloy. ang bangag ko dun sa (cos17)(sec17). tae talaga. pinahirapan ko sarili ko. sincoscossin. at hindi ko ung ma-apply coz 3 ung angles na involved tas ung sec ala namang ganon. masyado kong pinroblema ung 17degrees! tae! ginawa ko lang complicated ang answer ko. haha. baliw.

ayoko na ng college! gusto ko ng bumalik ng highschool! T_T

6/20/07
H-O crisis

late na itong post na toh kaso gusto kong magbuhos ng damdamin ko eh. hehe
anyway, june18. monday morning, ginising ako ng roommates ko. gulat naman ako. haha. sabi nila katapusan na ng mundo. tas ako naman, akala ko kung ano. kaso, un pala eh wala pala kaming tubig. as in buong condo ng burgundy transpacific place, WALA. kamon. san naman kami maliligo niyan? paano na kami?
so aun, nag-isip kami ng mga tao na malapit lang sa condo kung saan pwedeng maligo. unang naisip si enrique. as in don enrique razon sports complex.XP hindi ako pumayag kasi nakakahiya naman at pupunta lang kami don para maligo. tas naisip ko ung mga taga-UP manila. so tinawagan ko muna si shayne, hindi ko makontak. so ang sinunod kong tinawag si pito, hindi ko rin makontak. inisip ko na baka may klase mga intarmed kaya tumawag na lang ako kay henson. yes! sinagot nga niya! kaso lang, walang tao sa bahay nila. waaaaahhhh....
at buti na lang at naaalala ni alyssa na meron syang tita na malapit lang ang bahay. so aun, tinawagan niya pero hindi niya makontak. grabe, nakakailang tawag na at wala pa rin. until finally after 10 yrs okay na! kala nga namin babagsak kami kay enrique.XP
grabe. buti na lang talaga at 1250 pa pasok namin non kundi, baka ilang absent na kami ni anne.. haha.
so nung gabi naman, nagchorale ako. usapan namin na pupunta kami sa mga taga-UP manila para don na kami maligo sa gabi. tas aun, tinext ako ni anne na may nadiscover silang mas malapit, bahay nung classmate nila ni alyssa non elem! akalain mo ba naman ang pagkakataon.. at aun, buti na lang at may nahanap nga silang mas malapit kasi gabi na nong natapos akong sa chorale. syempre, inisip ko na kung saan kami maliligo kinabukasan kaya kinontak ko sila shayne at ziella kung pwede. actually, pwede raw magpa-overnight kaso bawal magpapaligo. haha. tas napag-usapan namin na tatakas na lang kami sa dorm nila na maligo. bahala na.
so kinabukasan, usapan kasi namin 530 AM kaso 545 na ako nagising! waah! at nagtxt na si shayne kung asan na kami ni anne. kamon naman. so aun, nagmadali kami kasi baka makagambala pa kami ng mga tao.
ang alam lang namin na address is ung kayla pito kaya dun kami pumunta. tinawagan ko kasi si shayne kaso hindi ko talaga siya makontak. pagpasok namin, sabi nila lovely at ziella, bawal talagang makiligo sa kanila. so nagmakaawa ako kay ryan, kasi sya lang ung asa baba non, na kung pwede dun na lang kami maligo. buti na lang pumayag sya. haha. nakakahiya din naman kasi puro boys ang nakatira sa bahay na un. nahihiya din ako kasi para bang hindi ako nagpa-alam at basta-basta na lang ako na magpapakita don para maligo. hehe. salamat na talaga ng sobra at nakaligo kami ni anne! at nameet ulit namin ang mga dating pisay piplets. haha
so after maligo bumalik kami ng condo. and guess what kung sino ang nakita namin sa baba na nag-igib ng tubig?? si DINO IMPERIAL! grabe talaga. ang cute niya. feeling ko nahalata niyang tumitingin ako sa kanya kaya ningitian niya ako. wahahahaah!!!
anyway, edi nag-isip na kami ni anne kung ano gagawin namin in case na wala pa rin tubig bukas. inisip namin na bumili ng balde. sabi ko sa robinson's na kami bumili kasi baka ubos na sa sm dahil malamang dun nagsibilihan ung mga tao. so aun, nakasama pa namin si alyssa. bumili kami ng 2 timba na may takip. nag-inquire pa kami sa fitness first. kamon. at nakita pa namin si irish na naggym don! haha.
so aun. asa taxi na kami papauwi. biglang may nagtext kay alyssa na may tubig na. kamon naman. 2 pa ung timbang binili namin. well anyway, at least may tubig na kami. at ang saya rin naman ng aming adventure na un.:D

6/19/07
DLSU CHORALE

grabe. naaalala ko pa nung nagauditions ako..
gabi na non. tas, tinext na kami nung taga-chorale. tinatanong niya kung pupunta ba kami. nagdalawang isip pa ako noon. kaso inisip ko, wala namang mawawala if i try. at gutom na rin ako nung time na un. so kumain muna kami. :P
mga 7 na nung pumunta kami sa sps bldng. 5th floor daw. kala naman namin may elevator, kaso ala pala. so nagstairs kami. hingal na ako nung napuntang 5thflr. kinakabahan.
tinext namin na nasa labas na kami. kinuha ang application forms. at, pinapasok na ako. shit.
at un. ok naman. tahimik ang lahat. ung mga chorale members pala manonood habang tinetest ako. haha.
so aun, binasa nya ung form ko. nalaman ng org adviser na ako pala ay may experience na kahit papaano nung bata ako dahil nagvoice lessons ako dati. pero ang tagal na non promise.
mamaya-maya lamang ay nagtugtog sya sa piano ng series of notes, na dapat kong gayahin. nung mga bandang una, madali lang. pero nung mga nasa gitna na, grabe. sorry ako nang sorry kasi feeling ko mali ako kasi ampangit nung pineplay nya dahil para bang sintunado sa melody kasi 2nd voice. pero nakukuha ko naman pala. haha. pero may time naman na ung una nyang ginawa eh ginawa ko nung iniba naman nya ung pangalawa. haha. hindi ko maexplain pero basically, napagpalit ko ung dalawa.:P
after non, pinakanta niya ako ng piece ko. grabe. nung una nga hindi ako makapagdecide kung ano kakantahin ko. pero buti na lang at naalala ko si "on my own". so un ung kinanta ko. at buti na lang din hindi mo kailangan tapusin ung song kasi medyo nawawala ako dun sa mataas na part. haha:P
actually, nanginginig-nginig pa ako non eh. sa sobrang kaba. buti na lang at nakangiti sakin papaano ung members kasi nakaharap ako sa kanila eh. at para bang makikita mo sa mga mukha nila na sinasabihan akong, "kaya mo yan, okay ka..". haha. yak. XP
at natapos na rin ang auditions. grabe. ewan ko ba. sabi ko nga eh bahala na kung papasa or what. basta pinangako ko sa sarili ko na if i will pass, kakaririn ko na ang chorale.
1 week na. ala pa rin balita sa auditions. grabe. akala ko nakalimutan na kami. haha. tinext nga ni anne kung kelan malalaman. sabi naman within this week, which is last week. so naghintay ako. haha. pero mukhang ala pa rin eh. hanggan sa dumating na ang friday, ang aking berday.:P syempre ung mga natanggap ko puro greetings from people. hay naku. inisip ko na last day na of the week kaso ala pa ring text kaya sabi ko, no chance ako!:P
after classes, nagsign-up kami ni anne sa mga orgs sa may SJwalk. aun. haha. wala lang. pero after non, pumunta na kami ng condo para mag-ayos ng gamit pag-uwi. tiningnan ko ang phone ko kung nagtext na ba ang nanay ko. hanggang sa sumigaw ako! kasi, may natanggap akong text na nagsasabi ng "Congratulations! you passed the auditions for DLSU chorale!" WAAAAAH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! hehe:P
at may kasunod pa sya.. "please attend the practice tonight. thanks!"..
at aun, hindi ako nakapunta. hahaha. pero sa totoo lang 3 lang pala ung pumunta non. haha. short notice din kasi eh. so aun. natutuwa ako kasi pumasa pala ako. waaaaaahhhh T_T
so aun, may orientation sa monday. 6-9PM. at komo beginners kami, practice namin is MwF 6-9pM LAGI. at kung regular member na, EVERYDAY 6-9 ng gabi!! kamon naman. haha. tas ito pa, may POSSIBILITY na malate ako ng 1SEM! no way! gusto ko ngang mapadali ung paggraduate ko tas ganito?! waaaah! well, sabi samin nung tagachorale, malalaman ko na rin daw un pagka-member na ako at talaga namang mafifeel ko ang devotion ko dito balang araw. well, depende rin naman din sakin un eh. grabe. di ko na alam. haha.
pero syempre naman, may benefits ang pagiging chorale. isa na dito ang financial aid. kamon naman. kaso, paghahati-hatian pa ng chorale members un. haha. tsaka sa 2ndyr ko lang makukuha ung ganong opportunity. nyak. isa pa ay ung modified cwts. as in ung mga kasama sa CAO groups na may mg cwts din eh magsasama-sama at gagawa ng cultural ekek. haha. exciting sana kaso gusto kong magstay sa block kaya ok lang. kaso ang kainaman naman daw nito is kasi minsan may saturday practices kaya pwede akong mag-absent or something.
aun.haha. nakakaiyak. isang malaking karangalan pala ang pagpasa dito. kasi naman, out of 29 pips na nagaudition, 9 lang ang nakuha. naman. kamon. haha. kaso wala naman talaga silang kinukuhang number.. i mean hindi naman 9 lang talaga ung kukunin nila. basta ang kinuha naman nila ay ung mga talaga namang deserving at sa tingin din nila ay magtatagal sa chorale. grabe. naiiyak ako. haha.
at dahil nga pumasa ako dito, hindi ko na alam ang gagwin ko. gusto ko nang karirin ito. haha. kaso sobrang makaka affect siya ng malaki sa studies. hay naku. bahala na nga. haha. basta pinagpray ko rin naman kay God na kung pumasa man ako, talagang pangchorale ako.
actually, mas gusto ko nga pala innersoul kaso tinamad akong mag-auditions. haha. at feeling ko mas marami akong kakompitensya don eh. nyak.
gusto ko na ring maging active sa orgs ngayong college kasi para bang ang saya. marami ka pang nakikilala. dadami friends mo. gaya sa chorale, kaming 9 nga palang pumasa eh naging 7 na lang kasi nung nalaman nung 2 ung sked, medyo nagipit sila at feeling nila di nila kakayanin. grabe. kaming 7 nga pala medyo close na rin. haha. sana walang magquit samin. at sana naman, maging proud samin ang chorale balang araw.:D

6/16/07
sweet sixteen

yuck. june14 pa lang ng gabi, nagdradrama na ako. sabi ko kayla anne and alyssa, "marami kayang babati sakin? marami bang nakakaalam?" yak. hahaha. natatawa ako sa sarili ko. masyado raw napraning? haha.:P
tas naisip ko, TAE. 16 na ako!! hindi na 15 ang isusulat kong age pagka may forms. shocks. ang tanda ko na! waaah!
hindi ko to ma-take. hahaha.
anyway, in fairness naman before my birthday, kinareer ko ung filkomu. kaso may mga jokejoke lang don para humaba at wala na rin kasi akong masabi. haha.
after naman non, narealize ko na 10:30 na at hindi pa ako nag-aaaral ng trig. masyado kong naibuhos ang sarili kong pag-iisip sa paggawa ng essay sa national museum. haha.
buti na lang, nung maaga-aga pa natulog muna ako kaya medyo narecharge ung energy ko.
nag-aral na ako ng trig. tas sabi ni anne matutulog lang sya pag birthday ko na. tas na praning nanaman ako. haha.
pagkabuklat ko ng notebook ko. putek. ang haba ng coverage! tas hindi pa nga sure kung may quiz nga ba non sa friday kasi hindi naman kami nagmeet nung monday. so no choice ako kundi mag-aral para maging ready. tas hindi pa pala binanalik ni steve ung dapat nyang ipaxerox. kaya nag isip-isip pa ako ng mga nakalagay don. nyak.
tas aun, birthday ko na pala. hindi ko namalayan dahil sa kakaisip ko ng mga kung anu-anong kabaliwan gaya ni descartes. at walang nagtetext. hay. inisip ko na lang na tulog na ung mga tao at bukas sila maggrigreet. pero medyo nagdrama na ako non. :))
hindi pa ako tapos mag-aral pero natulog na ako kasi inaantok na talaga ako. kaya sabi ko, bahala na. baka naman pinahihirapan ko lang sarili ko.
so kinabukasan, nagising ako. mga 6am non. pero ang alarm ko 9:35 dahil 12:50 pa naman pasok namin. pagtingin ko sa phone, may tumatawag. si moi. haha. panglawang tawag na pala nya. hindi ko naman nasagot. tas after non, meron pala akong 6 new messages. hay. natahimik na ang drama. haha. so aun, natulog muna ako. at di ko pa nga pala binasa ung messages kasi hindi ko pa naman sila marereplyan eh.
so aun, nagpakabit nga pala kami ng cable sa condo! yey! haha. wala lang. pero habang ginagawa un tsaka ko naman tinext ung mga tao.:D
tas aun, pumasok na kami ni anne. tuwa naman ako kasi ginreet ako ng blockmates ko. hahaha. ang babaw ko naman. XP
trig first subject namin. tas nag lecture sya. haha. hindi natuloy ang inexpect kong quiz. nalugi ako kasi nagpuyat pa ako. pero mas nalugi si anne kasi talagang hindi pa niya ginawa ung filkomu for trig eh. hayy..
so nagcramm si anne.
at aun, after ng classes, nagsign-up na sa mga orgs. math circle, rotaract at dapat chemSoc kaso nagsara na ung booth nila. sana meron pa sa monday. :c
at aun, pagkabalik ng condo, nagbasa ako ng mga texts. wow! grabe. i cant believe what i just read non.. "congrats! you passed dlsu chorale!" at may practice mamayang 6-9. eh ang plano namin lalabas kami ng family ko. so sinabi ko na lang un. at short notice din ung message nila. haha. grabe talaga. akala ko hindi na ako papasa kasi sobrang kinakabahan ako nung auditions pero aun naman. grabe. MWF 6-9PM. kakayanin ko ba un?! sana may time pa akong mag-aral.. haha.
so aun, nagmoa kami. kumain. at umuwi. grabe. ang saya ko naman nung araw na un. ang babaw ko. haha. XP

6/9/07
when i was a freshman in pisay..

nagtrig kami syempre nung friday. so aun. kala ko magtatawag sya nanaman simula sa likod, pero buti na lang hindi nangyari! haha.:P
anyway, so aun, nagdiscuss sya tungkol sa unit circle and eklavuS. aun. i naaalala ko nanaman ang nakakaiyak na lessons nung thirdyr. haha.
anyway, si sir trigo kasi, sobrang hinihimay niya ung mga lesson. i mean, pati ung definitions binibigay. tas pagkarecitation, nagtatawag siya kaya nakakakaba kung ikaw ung matawag. usually mga definitions pa un hinihingi. eh super ENGLISH kaya sya! as in para syang isang English prof na nagbibigay ng vocabs. haha.
unlike sa pisay na hindi na ganong kadetailed ung mga meanings non basta puro solving lang ung usual na ginagawa. at kung may definitions man, pwede mo namang i-explain ng Tagalog. haha. ayun pa pala. sa pisay, basta tinuturo lang ung mga ganyan, hindi mo alam sometimes kung bakit, para saan or whatever. pero sa lasalle, super kelangan magets mo ung every detail ng topic na un, which is good.
sa pisay pa, sobrang bilis ng pagtuturo pero medyo matagal sa isang topic kasi marami namang math subjects eh. unlike dito, mabagal syang magturo pero para bang ang bilis din niya dahil marami na pala syang topics na nadaanan.
nakakapanibago, grabe. iba ung teaching styles eh. feeling ko kaya rin naman ganoon sa lasalle, inassume na nila na alam na namin ung mga un, and review na lang ung ginagawa namin. pwede rin naman dahil trisem kami.
well anyway, after non trig, nagusap-usap blockmates ko, sabi nila, di pa nila alam tinuturo ni sir dahil super parang tinouch lang nila saglit ung trigo pero hindi ganon kadetailed. kala kasi ni sir alam na nga naming lahat ung mga pinagsasasabi niya. kaya aun. nahihirapan sila.
so ayun, naaalala ko pa nung 1styr sa pisay. pareho kami ng nafifeel ng blockmates ko. haha. kasi naman, wala akong ganong alam sa mga tinuturo non sa pisay. para bang saglit lang din. tas aun, sobrang naiiyak ako kasi akala ng teachers namin alam naming lahat ung mga tinuturo nila pero ung iba namang schools di ganon sa lalim ung tinuro nila. hehe. mangiyakngiyak pa ako non. dahil sobrang nangangapa pa ako non sa pisay. eventually, dumating din sa point na lahat kami di na alam ung topic na un kaya bumagal na rin ung discussions.:D
kaya ayun. naiintindihan ko ang blockmates ko. dapat magprotestsa kay sir na di nyo ganong natake un nung highschool. haha.:) seryoso ako dun ha. para naman bumagal sya ng konti at magTagalog man lang sya kahit minsan. hahaha.:P

Profile
JACQUELINE ANDAN.
jaki, jaky,
jackstone, darling.:)
bulacan.
cdsp, pisay, archer.:D
woman of God.

Tagboard

> timang na tibo

web site traffic counters
weirdos..

Credits
-ambulance - thank you for the base codes.
sheryl- designer
image-it's the art of brush-spamming dearie(:
1234-brushes