Blogging is a Burden <body>
12/31/05

HAPPY NEW YEAR!!!

12/30/05

Magmahal Muli
Sam And Say

Umaasang magmamahal muli
Ang buong akala ko'y sya na
Kabiguan ang napala
Panghilom ng puso'y hindi madali
Ang malaman mahal mo'y
Walang pag ibig sayo

Ang umasang magmamahal muli
Syang magagawa
Huwag hanapin ang pag ibig
Ito'y darating
Ito'y darating
Ito'y darating sayo

Hanggang sa tayo'y magtagpo
Sa kabiguan natamo
Kaya ako ay maghihintay
Sa tunay kong mahal
Isipin ang bukas at kalimutan ang nakalipas

Ang umasang magmamahal muli
Syang magagawa
Huwag hanapin ang pag ibig
Ito'y darating sayo
Aking naranasan

Ohhhhhh
Ang pagluha tulad ng sa ulan
Ang umasang magmamahal muli
Syang magagawa
Huwag hanapin ang pag ibig
Ito'y darating

Ang umasang magmamahal muli
Syang magagawa
Huwag hanapin ang pag ibig
Ito'y darating, ito'y darating..
Ito'y darating sayo

Ohhhhhhh.. ito'y darating sayo.






Your Hair Should Be Red



Passionate, fiery, and sassy.

You're a total smart aleck who's got the biggest personality around.

What's Your Funky Inner Hair Color?

12/29/05

Wag Na Wag Mong Sasabihin
Kitchie Nadal

May gusto ka bang sabihin
Ba't 'di mapakali
Ni hindi makatingin
Sana'y 'wag mo na itong palipasin
At subukang lutasin
Sana'y sinabi mo na


Refrain
Iba'ng nararapat sa akin
Na tunay kong mamahalin


Chorus
Oh, huwag na huwag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong
Pag-ibig kong handang
Ibigay kahit pa kalayaan mo


Ano man ang iyong akala
Na ako'y isang bituin
Na walang sasambahin
'di ko man ito ipakita
Abot-langit ang daing
Sana'y sinabi mo na


[repeat refrain]
[repeat chorus]


At sa gabi, sinong duduyan sa 'yo
At sa umaga, ang hangin ang hahaplos sa 'yo


Oh oh


[repeat chorus]


kahapon ng mga 2pm, tinext ako ng dentist ko. (textmates kami. :P)
anyway, sabi nya may appointment daw ako. mga 4pm. NGE. nabigla ako kasi akala ko Thursday dapat un. so ayon. pumunta ako ng pampanga kasi doon ung dentist ko.. ewan ko ba kung bat di dito na lang ako kumuha ng dentist. tas un. nung andon na ko, may kasabay akong patient. eh nakaka ewan pagnag-uusap sila kasi kapampangan.. para bang feeling ko taga ibang bansa ako eh pinoy naman kaming lahat.. ayon. tas, gusto na naming paalis ung braces kay inalis. TAE.. hindi ko alam na ganon pala itsura ko.. mukha akong di si Jaki!. pinakita pa nila sakin ung pic ko nung wala pa kong braces.. grabe. 10yrsold pa lang pala ako nung nagpabraces.. imagine, 4 years akong mukhang tinga! ayon. ung feeling din kakaiba. para bang ala kang ngipin.. or puro tinga ka or false teeth lang ung nakakabit na ngipin!.. T_T ang hirap. tas ang pangit talaga ng ngipin ko.. grabe. pinagtatawanan ako ng parents ko kasi mukha raw akong DAGA.. tama ba un?! ayon. sabi nga nanay ko ang pangit ko. tae. di nya raw ako nakilala!! :((.. ayon. muka raw false teeth na ewan. haaayy.. ewan ko ba. sa January 7 pa kasi ako makakapag retainers. x_x
buti na lang January 3 na pasukan.. ayoko pa kasing pumasok eh.
i look so stupid..

12/28/05

okay, sa palagay ko ala na talaga akong balak na matulog pa. 5:19am na eh. tae.
anyway, wala akong maisip na mapost kaya ikwekwento ko na lang buhay ng tatay ko..
nung bata pa sya, napakapasaway nya.. sobrang sige grabe, kahit na bata sya sa mga kaklase nya kasi maaga syang pinag-aral ng mga magulang nya (parang ako). nong grade 2 sya, may isang batang ginagalaw ung upuan nya.. eh naiirita sya. sa sobrang inis nya, tinulisan nya nang tinulisan ung pencil nya hanggang sa sobrang tulis na makakasugat na. tska nya sinaksak ung classmate nya.. HAHAHA!! :)) tapos, kya nya lang un nakwento dahil humingi ng tulong ung classmate nya kelan lang. hehe. ang kyoot. :) anyway, dahil don kinulong sa office ung tatay ko.. hanggang sa nakalimutan sya ng principal at nakulong na talaga sya. sobrang iyak daw sya nang iyak.. syempre naman kasi gabi na andon pa rin sya eh wala naman syang mahanap na lusutan. buti na lang naalala sya ng lolo ko. kasi ung lolo ko teacher kaya may susi sya nung office. hinala ng tatay ko sinadya ng lolo ko un para magtanda sya.. pero ala ring nangyare kasi pasaway pa rin sya.
ito pa ung isang kwento..
pumunta sa ilog ung tatay ko at ung tito ko. mga 5 yrsold pa lang tatay ko at 11 ung tito ko. hindi sila nagpaalam sa mg lolo't lola ko kasi di naman sila papayagan. kaya sila pumunta don eh para mangisda.. wala lang. eh nakabalsa lang sila. syempre di naman un kasing tatag ng bangka. eh ang likot ng tatay ko.. ayon, nahulog. nalunod pa nga eh. buti na lang sanay lumangoy ung tito ko, kaya sinagip sya! yay! at sinabi sa tatay ko na kahit kaylan ay wag syang isumbong.. syempmre kasi ung tito ko mapapagalitan kasi mas matanda sya kaysa sa tatay ko. di nga nya sinumbong.. (lalang)
tas ung third pasaway story,,
dahil sa sobrang siga ng tatay ko, may isang grupo na pinagtulong-tulungan sya.. sobrang may black eye daw sya tas ang laki-laki ng bukol.. at hinulog pa sya sa kanal! kaya nung umuwi sya ambaho na nya!! anyway, nung nakita sya nung tito ko, agad na tinanong kung sino ung mga taong pinagtulungan sya. ayon! agad naman nyang ginulpi lahat!
at ung fourth.
grabe. may isang upper year na sobrang siga eh sobrang binuntal sya.. eh di naman kaya ng tatay ko dahil masyadong syang malaki. ang ginawa nya, tinawag nya ung dalawang bisaya sa piggery nila at pinadala ung maliit na baril pamatay ng ibon. sinakay nya sa jeep tas pumunta sa kinaroroonan ng lumaban sa kanya tsaka nila pinagbabaril ung lalaki!..
grabe. at marami pa. ayoko na nga lang ibuking tatay ko pero ang ang dami kong alam na storya nya sa buhay. :P
ayoko nang matulog kasi ayoko nang managinip.


grabe. umaga na di pa rin ako tulog. x_x
isa na nga akong nocturnal ngayong bakasyon..
o di kaya, may iba pang dahilan na bumabagabag sakin ngayon?

12/25/05

inuulit ko, MERRY CHRISTMAS sa lahat! :D
HAPPY BIRTHDAY JESUS!!
okay, start tayo kanina. maaga akong gumising. siguro mga 6am pa lang gising na ako kasi don ko sinet ung alarm ko. syempre, super lamig! takte. ung inalmusal ko ung chocolate. basta, nung naliligo ako nangangatog ako. at kinikilabutan.
anyway, nagsimba naman kami sa JIL kasi inaya nila kami nung nangaroling sila sa bahay.. (paner! JIL! :P) un.. ayos. astig. syempre, ang saya kasi nakapagpraise ulet ako kay Jesus. syempre, ito na nga lang ang mareregalo ko sa kanya sapagkat un lang naman ang pwede kong ialay sa kanya. lahat naman kasi galing sa kanya. ultimo itong buhay natin, hiram lang natin toh. pwede nyang kunin ito kahit anong oras. kaya dapat, binibigay na natin ang best natin for Him kasi, di natin alam..
so ayon, share lang ako kung ano ung natutunan ko for today.
okay, dapat tayo ay laging handa. syempre..
mali,, ang pinaka natutunan ko ngayon ay dapat handa tayo na mawalan ng pinakamamahal. sapagkat meron pa syang ibang plano dito. may mas maganda syang ibibigay sayo. minsan, tinetest nya lang tayo kaya nagkakaganon. pero papalitan din naman nya yan ng mas mabuti.
ung pastor, kinwento nya ung kwento ni Abraham. ok. alam na siguro natin na 2 ung anak nya. pero isa lang ung "totoo" kasi ung isa naanakan lang nya ung asawa nya. anyway, ung anak nyang iisa ay si Isaac. sya ung promised son. non medyo malaki na si Isaac, tinest ni God si Abraham. inutusan siya ng Diyos na gawing sacrifice si Isaac. as in patayin. syempre gulat si Abraham kasi kaisa-isa na nga lang nyang anak papatayin pa. so un. ginawa un Abraham. pumunta sya sa bundok at nung nasa aktong papatyin na nya si Isaac, may pumigil na anghel at sinabing tinetest lang sya ni God kung gano sya kafaithful sa kanya. :D
ayy. iba talaga ang pagmamahal ni Jesus. sobra. lahat may dahilan..
dapat ay handa tayong talikuran ang lahat para sa Kanya dahil Siya ang mas mahalaga.
kaya siguro, kelangan ko nang kalimutan ang lahat at wag nang umasa.
at un ang natutunan ko. :)

HAPPY BIRTHDAY JESUS! I LOVE YOU!!

okay, ito pa.
grabe tinamaan ako. dapat ung ibinibigay natin sa Kanya, ay puro the best. as in kelangan may sacrifice. at ang sacrifice ay dapat may kirot sa ating puso sapagkat di mo masasabing sakripisyo yan kung wala lang sayo. syempre may hirap..
may hirap talaga ang lahat ng bagay na ating nararanasan.
wala lang. :P

12/24/05

MERRY CHRISTMAS AND GOD BLESS! :D
sana maalala niyo ang true meaning ng Christmas. at yun ay ang LOVE. :P
hehe.
abala ako ngayon sa paghanda ng food namin. >,<

12/23/05

sayang. gusto ko pa naman magbike ngayon, kaso di pwede si Adelle. anyway, okay lang kasi ngayon ko na ginawa ung refrigirator cake! wow!.. syempre, saya yung paggawa. kaso nakakapagod din kasi dikdik ka nang dikdik. anyway, wish ko maging successful sya kasi pinapalamig ko pa at syempre, sa noche buena na namin kakainin un syempre para may handa kami. speaking of handa!.. buti na lang at namili na kami kahapon for noche buena. iniba namin ung usual handa namin kasi nakakasawa rin. :P ako ung nagisip.. haha! instead of sopas, spaghetti na lang. tsaka ung fruit cake nga ref cake na. at ung ham namin.. ung may buto!!.. haha! kala ko sa cartoons lang un. ang tanga ko.. >,<
un, dahil nga hindi pwede ngayon si Adelle, tomorrow kami magbabike!:D
grabe. super lamig na talaga ever!
asar. kasi ayon. nanay ko kasi nanakawan sya.. grr..
aliw. kasi may blog na pala si pito. :)
ayyy!! lapit na Christmas. kelangan ko nang magtago.. takte. baka may makalimutan ako sa mga inaanak ko. ilan nga ba sila?! my God.. buti na lang may new bills ako. :)
haha. wala na akong plano na magmano sa mga ninang at ninong ko. tamad na at kawawa naman sila ala na ring pera. sana ung mga inaanak ko kasing bait ko. (parinig) :))
uhh.. yeah. ang kulit talaga ni Yael. :P HOY tinuan mo naman tag mo. :)

12/21/05




How You Are In Love



You fall in love quickly and easily. And very often.



You tend to give more than take in relationships.



You tend to get very attached when you're with someone. You want to see your love all the time.



You love your partner unconditionally and don't try to make them change.



You stay in love for a long time, even if you aren't loved back. When you fall, you fall hard.

How Are You In Love?





You Are Dancer



Carefree and fun, you always find reasons to do a happy dance.



Why You're Naughty: That dark stint you had as Santa's private dancer.



Why You're Nice: You're friendly. Very friendly.

Which of Santa's Reindeer Are You?


haha. nakalimutan kong ilagay kanina.
hindi ako kaagad nakatulog kagabi kasi di ako sanay matulog ng maaga.. kaya ayon. imbis na maginternet ako, after magmasahe ay tinuloy ko ang pagbabasa ko ng vince's life. inumpisahan ko sya, matagal na. if forgot pero ang naaalala ko, sinabay ko sya sa sidd at syempre, iprinioritize ko un dahil required. >,<
anyway, ang saya kasi natapos ko na siya. GRABE.. basahin niyo. nakakaaliw siya. kung gusto nyo, hiramin nyo ung libro ko kasi tapos ko rin naman siyang basahin.
hehe:D basta, aliw siya cos love story sya at nakakaloka. :P
haha.. tas di rin ako kaagad nakatulog after bashain un. nakatulog na siguro ako mga 4am..
at nanaginip ako. langya, ang naaalala ko lang ay napakahaba niya. sobra.
ay, ang part na naaalala ko, napadpad ako sa ibang dimension.. at sa loob ng bahay namin. pero, ibang tao ang may-ari noon. pinanood niya ako ng movie. ung movie.. tungkol sa isang multong babae. alam niya na patay na siya. tas, bigla na lang syang nagtaka kasi nakikita pa rin siya ng mga tao. dahil doon, nabuking na multo pala siya at tinorture siya ng taong bayan.. pinasok ung hose hanggang sa kaya pa itong ipasok sa loob niya at hindi inooff ung tubig. grabe. weird dahil lumobo ung multo.. ganon daw talga kasi dahil multo na siya at para lang mawala siya sa mundo, kailangan nyang sumabog! ang labo. at nagising na ako.
oi shayne. inggit na ako. :P


ok. start ako kahapon:D
nagising ako mga past 12noon na. syempre, bakasyon naman eh.
biglang tumawag si Adelle. inaaya akong sumama sa "super mini reunion" namin.. eh wala talaga ako sa mood. SOBRA. tamad-tamad pa ko. tas ang oras pala is 1pm. NGE. kagigising ko pa lang eh..
eh before pa non nakausap ako ng mom ni Adelle. sabi pumunta na raw kami. at tinawagan pa ko ng nanay ko sa phone para lang sabihin na pumunta ako.. Tep-tep kasi..
ayon. makakatanggi pa ba ako? :P
ok. so ayon. pumunta kami ni adelle sa waltermart.
takte naman ung mga pinapalabas nila. puro kingkong. kaya ayon, wala na kaming choice kundi un ang panoorin.. sayang naman ung pagdadalaga.. di ko na napanood. :(
pagdating namin sa loob, andon na pala ung mga boys. sila ER, RV at Kemo. at kasabay naming pumasok sila Celine, Tep at Tim kasi sinundo nila kami.
grabe, naubos ung oras namin sa puro trailers.. ang tagal! puro kasi mga entries ng pinoy film fest..
agad na umalis sila RV at ER.. haha. sayang nga kasi sobrang di na kami nagkausap. lalo na si ER kasi close pa naman kami dati. :P
ok nan ung movie. di nga lang namin natapos kasi kelangan na naming umuwi. :(
haha:D nagusap kami ni Adelle na magbike sa bukid. :P
shet. akala ko pa naman makakasama sila Miko, AB at Danna.. oh well, Danna kasi! joke lang:D
hay, miss ko na nga ang cdsp.
grabe ung mga chika na nalalaman ko. ang lulupit.
anyway, naaawa naman ako kay Isay kasi kaya siya di pinyagan eh para raw umiwas sa mga stuff.. sabi ni Adelle. oh well, masyadong mababaw ang cdsp. ganon pa rin.
miss ko na rin grade school life ko! super!..
ewan ko. pero mabilis talagang magbago ang mga tao..
tas aun. after nga non nagjeep kami papuntang palengke. bumili muna kami ni Adelle ng pagkain sa champion. tas nagtricycle kami papunta samin.
after non, hinatid na namin sya sa bahay nya at pumunta kami ulet sa plaridel para sa birthday ng tita ko. mga late na kaming umuwi. kaya ayon. di na ako nag internet kasi nagpamasahe parents ko.. oh well, ok lang naman sakin un.:D
sana nga lang magkaroon na tayo ng isang matinong reunion. kahit ba mga teachers natin isama natin. lalo na si sir Spencer:P
grabe. ang lapit na ng pasko ever. nagiisip pa ako ng mga putahe for noche buena..
wala pa kaming hot choco, keso de bola at ham. :D
baka ayain ko parents ko na sumaglit sa tindahan sa tabi. hay. bat ba kung kelan bakasyon at buo ang tulog ko tsaka ako nagkakataghiywat!! rarr..

12/19/05

ikaw kasi..
asar.
bat ba lagi na lang ikaw?
ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw ikaw
puro ikaw na lang.
laging ikaw ang nasa isip ko. ano man ang gawin ko.gumising, magdasal, kumain, maglinis, magsipilyo, manood ng TV, mag internet, mag-aral, gumawa ng HW kahit nga sa pagtulog ko di mo na ako tinantanan. andyan ka sa panaginip ko.
bat ba lagi na lang ikaw?
di ko nga alam na nganito na pala.. kung hindi lang ako nagising sa katotohanan nung ako'y nasaktan.
langhiya.
akala ko para sa ikabubuti ng lahat.
oo, nakabuti sa inyo. pero sakin, ewan.
pero masaya na rin ako. kasi sakanya ka napunta.
asar nga lang.
sorry, minahal na pala kita.
tanga.
alam ko nga ba itong mga pinagsasabi ko ko?..
mas mabuti ngang kayo na.ala naman kasi akong kwenta.
pero alam kong may pakialam ka.
di mo nga lang ganong pinapakita.
kung nababasa mo ito ngayon, malamang, alam mo na IKAW tong tinutukoy ko.maging masaya ka na sa kanya.
wag mo na akong alalahanin.
pero, sa totoo lang ay di pa rin kita kayang kalimutan.
mahirap eh. grabe. kahit na ano gawin ko alang nangyayari.
ganito nga ba ang dapat kong maramdaman?..
ang tanga ko. pero bulag ka.di mo ba pansin? ang manhid mo naman pare.
pero ganyan talaga ang buhay. masyadong mapanlinglang.
lagi ka na lang kasing bumabagabag sakin.
bat ba ayaw mo akong layuan ha? tsaka sino ka ba para gawin sakin toh?
ala. pero ala nga ba?
may kwenta ka nga ba?
oo, siguro.
pero kaibigan lang.
hanggang dito nga lang siguro ang lahat.
ayoko na. ayoko nang umasa. para saan pa eh huli na ang lahat?pero di ko rin mapigilan ang sarili kong magpantasya.
masyado na akong baliw sayo.
kasi naman. tatanga-tanga pa ako.
ikaw kasi. bat pa kita nakilala? bat pa kita naging kaibigan? bat pa tayo nagkaroon ng koneksyon?bigla na lang. di ko nga alam.
sana, kung nabasa mo toh... wala. wala na akong maihihiling pa.
ayokong makasira ng isang magandang pagsasama.
tanga ka. pero mas ako.


yay. post nanaman ako.
ano ba yan. asar na asar na ako sa DC dyan.. tas mamaya DC ulet. DC na lang nang DC. grr...
anyway, okay naman ung araw ko ngayon. yeah.
grabe, sobra na tong blog fever na toh. rar! diba faner? :P
ang saya rin kasi may mga naiinfluence ako. hehe. kaso, sana di naman ako maging BI
grabe, dahil kay andrew, nakita ko ulet ang aking webcam at ginamit ko ulet siya.. siguro, ang last time na ngamit ko sya is mga first year pa siguro ako. o well, na miss ko rin siya :D
ang pangit naman ng view ni andrew.. kasi ba naman, ang pinapakita niya, isang lalaking HUBAD at NATUTULOG.. ano ba yan. di mo na siya binigyan ng privacy!!
tsaka bata pa ko noh.

tsaka ito pa.. ano ba naman.
itago na lang natin siya sa pangalang drama.
grabe, ano ka ba drama!.. ang arte mo.
itong drama na toh. hindi ko maintindihan. ang labo niya ever.
ayaw ba naman akong kausapin kahit sa YM!.. tas sabi pa, wala na raw aking paki sa kanya.
ang drama mo talaga. bagay na bagay sayo.
ano ka ba naman.. sa tingin mo ba wala akong kwentang kaibigan? basta-basta na lang ba kitang tatalikuran?..
sos.
kausapin mo na ako. please. sana rin mabasa mo to.

12/18/05

meron akong kachat.. itago natin sya sa pangalang "gregorio"..
at itong kachat ko na toh ay ang kulit. ayaw akong tantanan!! grabe..
dahil sa sobrang bwiset ko, itong kasama sa post ko ay ang konti naming paguusap. at makikita niyo ang kanyang pangungulit. ang tindi! para na rin mahulaan ninyo kung sino nga ba itong gregorio na toh.

espada_man: jaki
jAky aNdaN: ?..
espada_man: meron akong matagal n gusto itanong sayo
espada_man: matagal nang bumabagabag s icp ko
espada_man: d ko n kc matiis eh
jAky aNdaN: arte
jAky aNdaN: natatae ka noh?!
jAky aNdaN: joke
espada_man: deh
espada_man: seryoso to...
espada_man: dapat dati ko p pla tinanong
jAky aNdaN: ano ba yan?
jAky aNdaN: diretsuhin mo na!
espada_man: magkano yung xchange gift?
jAky aNdaN: 150min
jAky aNdaN: nge
espada_man: patay
espada_man: eh
espada_man: hyaan mo n
jAky aNdaN: bakit?.. magkano ba ung nabili mo?
espada_man: 115jAky aNdaN: ano ba yan..
jAky aNdaN: magdagdag ka ng 35
espada_man: cash?
jAky aNdaN: worth of gift.
espada_man: oh...
espada_man: bat gcng k p?


hanggang dito na lang kasi baka mahulaan niyo na dahil sa sobrang kakulitan..:D
~siya nga pala nagpapasabi na ilagay ko na naaasar ako sa kanya.. hehe

12/17/05

oh yeah.. ito na ang aking second post.. kaya titinuan ko na toh!:D
dahil naaadik na ako.. adik na ako. [labo]
anyway, gusto kong magpasalamat kay shayne fajutagana. :((
kundi dahil sayo, wala akong blog ngayon!
yak. ang drama.
anyway, nagpapasalamat din ako kay marie tumamao at mich barcenas dahil pinipilit pa nila ako dati na magblog. at finally! buti na lang at bakasyon at ala akong magawa. kaya yan! ako ay nakagawa na at nagkaroon na ng time upang gumawa!! HAHAHA!!
anyway, nakakatuwa kasi buti na lang at bakasyon kaya may chance akong magstart gumawa nito.
kasi, narealize ko na masyado palang mabusisi pag gusto mo talagang maganda blog mo diba?!
kaya iyan.. yay!! soooo happy kasi nga may achievment na ako kahit papaano this vacation:D
i miss pisay!!


haha.:D first post ko.. lalang

Profile
JACQUELINE ANDAN.
jaki, jaky,
jackstone, darling.:)
bulacan.
cdsp, pisay, archer.:D
woman of God.

Tagboard

> timang na tibo

web site traffic counters
weirdos..

Credits
-ambulance - thank you for the base codes.
sheryl- designer
image-it's the art of brush-spamming dearie(:
1234-brushes