4/29/06
dahil sa pagpapaalala ni paner na inaamag na ang aking blog.. kaya ito, magpopost nanaman ako. yak talagang nawalan ako ng gana na magblog kasi ang pangit ng skin ko. X) sorry sa mga taong pumupunta sa blog ko at wala rin naman nababasang bago. SORRY. kaya, itatry ko ngayon na gawing mahaba itong post na toh. :D yay! sige start tayo nung monday!
mon. gensci/physics subject namin. tae naman oh! kala ko pa naman physics.. tas, earthsci pala! madali nga lang siya kung madali, pero nakalimuta ko na ung iba kasi firstyr pa nga iyon eh.. meron pa nga tungkol sa planets. nakakabobo kasi di naman siya tinuro sa pisay pero tinuro siya dati nung ELEM pa ko.. so, ang tagal na non!! X)
nagtwag ung teacher nung una.. kaya kumabog ung mga dibdib namin. tae. pangatlo ata akong tinawag.. pero, nalaman naman namin na okay din siya. nagjojoke pa nga eh. :D
after non, nag ken afford kami. eh ang layo non.. TAE!! ang init pa nga eh kaya nakakasunog ng balat. X) pagpunta namin dun nakita namin si nave kaya sumama na sya samin.. nakita din namin sila garik, zy at paulo kaya ayon, kami ung mga kumain don. ang dami nga namin taga-pisay eh. :P