fri. sci comprehension. biglang dumating ang isang matangkad na maputi at tsinitong guy. tas, nagpamigay na lang sya ng booklets (uy, asenso!) at mga answer sheets.. takte! quiz na pala kaagad! tas, gulat kaming lahat.. 160 items ba naman kasi pala un!! X) kaya ayon. hanggang 9:45 kami nagtest. pero, kinulang kami ng time kaya nagextend ng 5 minutes.. shocks. nung nagchekan na ang ingay naming lahat!! kasi naman, sinulat nya lang sa board ung mga letters.. kaya ayon, nagmukha kaming palengke. :P absent nga pala si krisha kerr. :c
after non, nagbreak kami. sa mcdo kami pumunta. di naman ako umorder kaya nag egyptian kami.. kaya ayon, naging interesado si eski kaya nag demo muna kami nila mich. ang ingay e eh! tas nung alam na nya, nagpamigay ng cards.. nung magstastart na kami, TAE, may dumating na guard at sinabing "bawal ang cards dito.." kaya bumalik na lang kami ulet sa classroom. nakapglaro naman kami kahit papaano.. ang ingay nga lang namin!! :P ang sakit nga sa kamay eh! tas di namin namalayan na andon na pala ung teacher at nagstart na. :P nagdiscuss sya. tas ang dami naming nakitang mga mali. langya. ang pinakastupid sa lahat eh ung tanong kung saang planet ang may livable na atmosphere.. TAE. ang sabi dun sa chinekan namin venus! galing ba ung teacher sa venus?! so ayon. naawa ako kay mich kasi nung umpisa may +3 sya tas -3 din eh 1 pt na lang pasado na sya. :c ako nga di pumasa kahit na ang damking corrections! ang hirap kasi nung kem part.. may mga tanong don na kailangan mo pang isa-isahin ung mga choices kaya magtatagal ka talaga. kaya buti na nga lang eh inuna ko ung physics part kasi ang dali nya in fairness! masyad syang basic. kaya siguro ganon kasi nga di pa naman nakakapagphysics ung ibang schools. :D
after ulet, nagmcdo ulet kami. biglang lumabas ung mga mascots! si jao naman, gustong yakapin si grimace!! :P ang oti nga eh, ang papandak nila. napagusapan naman namin ang mga girl and boy scouts.. ung investiture para sabihin na isa ka na ngang scout tas may ninang ka pa na kailangan magbigay sayo ng pin! XP tas, samin may nagkwento na upperyr dati na nung nagcamp sila dati eh 2 tabo lang ng tubig ang pampaligo nila at my "booger check" pa sila.. kasama un sa grooming. (yuck!)
si jao naman, hirit naman akala nya ung girls ung nagtatanggal ng boogers!! T_T
maaga naman kaming nakauwi ni adel compared dati. :D kaya ayon, nakapunta pa akong pampanga. (ang labo)
yay! ang haba ng post ko! pinutol ko lang per day. :D