Blogging is a Burden <body>
5/30/06
dont talk to strangers nga eh!

gusto ko munang sabihin na nakakaadik ang "malcolm in the middle"!! shet. kaya umaga na ako natutulog kasi hinihintay ko ung 430am sked kasi mas updated siya kaysa sa 6pm. hay.
grabe. ang tagal na nito pero sasabihin ko na rin. may nagpakilala sakin dati sa multiply na no clue ako kung sino siya. tinanong niya kung josefito nga ba name ng dad ko, which is true kaya nagtaka ako kung sino nga tong guy na toh. tiningnan ko ung profile niya, nakita ko tagadavaodelsur daw.. huh?! ang layo naman eh nasa mindanao na siya eh nasa luzon kami?.. so ayon, nagrep ako sakanya. sabi ko pano mo nalaman na un nga pangalan ng dad ko? okay, gawin ko na lang na parang script.

JOSEROY: di ako sigurado kng ikaw yung nakita ko noong d 1st at last time ko pumunta ng pulilan. 1998 ata noon. 6 to 7 years old ka pa lang. di mo na rin siguro matandaan?
JAKY: uhm,, ako nga siguro un kasi Josefito nga name ng dad ko. kilala ba kita? paano mo ako nakilala?
JOSEROY: musta mo na lng ako sa dad mo. pati na rin kina uncle lito, uncle pinong at nathaniel. pati sa mommy mo na rin pala at tita corry. sana di sila magalit sa akin.

..shocks, kilala nga niya ang pamilya ko? pero di ba niya alam na magkakagalit sila? nyek.

JAKY: sino ka po?.. paano mo ako nakilala?
JOSEROY: jose roy salvatierra pangalan ko. sa maynila ako pinanganak pero sa davao na ko tumanda. 34 na ko ngayon. 1st time ko nakilala mga uncle natin at dad mo last may 1998 pa. 1st time din kita nakita noon. hindi ko na nga natanong pangalan mo. tinanong mo pa nga dad mo kng sino ako. sagot nya, kuya mo. by accident ko lng din nadiscover blog mo.
JAKY: so pinsan kita?

...pinsan ko nga ba siya?! at pano niya nakita ung multiply account ko? nyak. di ko talaga maalala ung mga pinagsasabi niya. shocks. pero malalaman ko rin un. di ko naman matanong sa tatay ko kasi wala sila sa bahay. yup. mag-isa ako ngayon. nyak.

5/29/06
i feel bad. so bad.

okay. sobrang late reaction naman itong post na toh.. :P okay, pero kelangan ko pa rin ilabas ung nasa loob ng damdamin ko eh, kaya sasabihin ko na rin.

1. american idol
`obvious naman para sakin na mananalo si taylor dahil papuri ung inabot niya before the last night eh. si katharine sayang talaga kasi siya pa naman ung gusto ko dahil ang ganda niya! :D

2. pbb
`ano ba yan! akala ko magrereact ako ng kaewanan nung nalaman kong natanggal si jam eh, pero tama ung pinsan at tito ko na okay na siyang matanggal dahil di siya magandang example para sa youth dahil baka akalain ng iba ay okay lang mabuntis dahil may pag-asa namang dadating sayo eh. tsaka nakuha na rin niya ung kailangan niya, which is ung mapa-operahan ung baby niya so wala na siyang kailangan pa. i feel sorry for brenda kasi magaling naman siya eh. magaling pa nga siya sa iba pero di lang talaga siya malakas sa tao. :c

ito.. di na toh late. :D

3. enrolment stuff
`finally! after 10yrs natapos na din. :D well, expected ko na rin na ngayon siya matatapos kasi nagpapik ako kahapon at sabi rin naman doon na pwede ko na syang kunin kanina. grabe, nagulat nga ako kasi ang mahal ng pics! 480pesos pala tae. so ayon. grabe, thanks Lord talaga kasi libre ako sa notary dahil may ninong akong lawyer. :D yay! tas grabe, nakakahiya nga dahil dineliver pa niya sa bahay namin ung papers.. :P well, okay lang. natuwa ako kasi nagkakwentuhan kami kasi pastor namin siya kaya pinagusapan namin ang christian stuff. c:

hayy, ano ba tong araw na toh. lumabas nga ung mga taong gusto kong magpakita pero di naman sila sumagot after. nalungkot tuloy ako, promise. :c ewan, nakita niyo siguro sa status ko sa YM na nakalagay eh "magpakita ka!" kaya ayon. ung iba nagmessage sa YM, iba naman eh sa text, ung iba both. hay, kung alam niyo lang. tell me, galit ka ba?

5/27/06
DOT.cube

okay magpopost na lang ako.
grabe. di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil bakasyon pa hanggang ngayon. matutuwa kasi free ako kahit anong gawin ko.. di katulad pag may pasok na, syempre priority mo na ang studies. pagka naman bakasyon, mamimiss mo friends mo at school. ba't kaya ganoon? kung kelan bakasyon, tsaka ko gustong magpasukan ulit, at pagpasukan na nga eh gusto mo nang magbakasyon. HAY, ewan ko ba, naguguluhan ako sa sarili ko.
speaking of pasukan, grabe, wala pa kong notary! kamon. wala pa rin akong pictures!! kasi naman, wala na nga akong pimples, ang pangit naman ng MARKS. SOBRA. ang laking peklat nila. asar. kala ko kasi maaalis siya before enrolment kaso hindi. so sana bukas eh makapagpapicture na ako. :D

5/2/06
kakapalan ng muta mo.

unang part,,

maaga akong gumising para makapunta ng maaga sa LSC dahil mock exams na ng UPCAT. pagdating namin ni adel sa sakayan, WTF! ang daming pasahero!.. sobra, dahil doon, ang tagal naming naghintay..
at naghintay..
nang naghintay..
after 10 years..
..may dumating na bus at sinabing "dalawa pa!"..
takbo!! ayon, pagpasok mo, tayuan na pala!
so ayon, nakakahilo talaga kasi tuwad ka dyan, tuwad ka doon, at asar na asar na sayo ang mga nakaupo dahil nasasadlak sa mukha nya ung bag mo at halos mahulog ka na sa dibdib niya. YUCK!
so ayon, sobrang tagal talaga nung biyahe at sobrang sikip! kaya nung natapos na, HAY! ang saya kasi nakakahilo talaga..
pagdating namin ng UP, TAE! 8am na pala. it means na late na nga kami. X)
as expected, late nga ang mga tinga. so ayon, shocks! ok lang naman ung first part ng math.. pero pagdating ng part na pinakamahirap.. OMG. un kasi ay ang ever beloved GEOM... tae, sasabog utak ko kasi di ko alam ung mga formulae. X) shit.
habang nagtetest kami ay may biglang tumunog na phone. tae. ung tone daw ba eh ung pang-porn?! ung trumpet thingy na pinapagtugtog namin gamit gitara sa dorm.. OMG. nagtetest kami!! tas, tinawag ako ni jao tas tinuro niya si mark bautista. :P sayang ala si krisha. :( hehe :P
so ayon, inuna ko na ung ibang subjects.. hanggang sa ang geom at ako na lang ang natira. nakipagbuno ako sa kanya, pero wala akong magawa! ok, panalo na siya. x_x pero di ko matanggap na panalo na siya, kay shinot-gun lang ang kalaban para mamatay. sana nga namatay siya. X)
after non, ang walang kamatayang mcdo nanaman. pagpasok namin, ang daming taga-pisay in fairness ha! :P nakita pa nga namin si ma'am regaya look-alike. :)
at,, pati ung classmate namin ni adel nung elem! akalain mo ba naman, nagrereview rin siya.. sa expert guides. dun din si depeds pero di sila magkakilala. :(
ayon, kumain kami, except for mich. biglang tumawag si karizz at hahabol siya. :D ang tagal naman bago dumating tas siya lang palang mag-isa! so ayon, chikahan muna, tas kinalikot ni kajotich ung wallet ko. nilabas niya ung mga prompics and other lakwapics. :D
tinawag ako ng mga taga-st.scho.marikina, tas ayon, pinakita ko sa kanila ung mga pics! :P pati nga ung classpics! nadala ko kasi tas, di ko na naaalis sa bag ko. :P dahil doon, nakipagbonding muna ako sa kanila. :)
nung napansin kong late na, sumama na ako kayla mich ulit. kwentuhan ulit tas after some time uwian na rin. :D shocks! ang tagal namin sa mcdo ha!:P nung papa-alis na, magsiCR daw si andrew, kaya hinintay namin siya. inaya ako ni mich na magCR eh kakaCR ko pa lang kaya sinamahan ko na lang siya at sumama na rin sila adel at karz. pagkuha ng face powder ni mich, nabagsak ito kaya nabasag ung powder mismo!.. medyo nagtagal din kami. hehe :P paglabas namin, narealize namin na di alam ni andrew na nagCR din kami, kaya hinanap namin siya. wala sa labas. wala sa loob. naghintay pa kami ng konti kaso ala na talaga eh. :( kaya ayon, umuwi na kami. sorry paner!!
pagsakay namin ni adel ng bus, nagtext si diane, isa sa mga taga-st.scho. ayon, textmates kami! :D tinext ko rin ung ibang mga taga-st.scho. :D yay!
nagrep sakin una si alyssa, tas si eliza naman at last si kathryn. :) sayang nga di ko nahingi number nila joanne at roselle.:( anyway, ang saya kasi meron akong new friends! hehe :P mamabait kasi sila eh.. (naks!*)
at ngayon, nakauwi na ako,diretso agad sa computer para magblog :P
tinatamad pa kasi akong gawin ung HW. :P pero, alam ko naman na magagawa ko siya eh :D

ibang topic..

ang laking tae nung bagong housemate sa pbb. shocks! F na F nyang gwapo siya, pero wala naman siyang ganong itsura!! nakakaasar ung 25 gFs! tas ung pagiging blackbelter niya ung sinasabi! tae! sana maevict siya! rarr..

another one!

sayang talaga kasi di natuloy ung classpic ng LSC namin ngayon.. kasi, iba-iba ung time na natapos namin ung UPCAT mock exam. pero ok lang kasi meron pa namang bukas :D namin ngayon.. kasi, iba-iba ung time na natapos namin ung UPCAT mock exam. pero ok lang kasi meron pa namang bukas :D

ang katapusan.

grabe, puntahan ninyo ung multiply ni andrew (nasa links ko). lalo na ung mga opal, rosal at sodium jan! nakakaiyak ung presentation na ginawa niya in fairness. :)

5/1/06
sh*t.

narealize ko lang na ang tanga ko. bobo!!


..nakakaasar ang review, patapos na. :c

Profile
JACQUELINE ANDAN.
jaki, jaky,
jackstone, darling.:)
bulacan.
cdsp, pisay, archer.:D
woman of God.

Tagboard

> timang na tibo

web site traffic counters
weirdos..

Credits
-ambulance - thank you for the base codes.
sheryl- designer
image-it's the art of brush-spamming dearie(:
1234-brushes