6/4/06
may scolio ako.. truth!
kahapon, lumuwas kami para pumunta ng pisay at ospital.. what?! magbasa ka na lang. nagkamali kasi ako ng sulat ng number sa book kaya bumalik ako ng property para maayos na siya kaagad. mahirap na rin baka kasi madelay sa clearance. isa pang dahilan ay dahil may dextroscoliosis ako.. mild lang siya, pero nataranta parents ko dahil nagtagal ako sa clinic nung enrolment kaya ayon, bumalik kami sa clinic para hiramin ung x-ray result pero di pa raw naaayos kaya nagdecide mom ko na dumiretso na sa st. luke's.. pagdating namin doon ay hinanap namin ung doctor ng tita ko sa buto, pero may nakalagay sa pinto niya na note na nagbakasyon pala siya. meron din doong ibang doctors kaya tinry namin ung isa. so ayon, buti naman ay naabutan pa namin siya dahil paalis na sana siya. sabi niya ay medyo masama na rin ung lagay ng scolio ko kaya binigyan niya ako ng gamot at pinax-ray ulit ako dahil walang kwenta ang chest x-ray. magpapa physical therapy pa raw ako.. masahe ata un with machine eh. basta ganon. anyway, nung magpapasked na kami for PT, pumunta kami sa rehab center.. huh? ano ba yan! feeling ko tuloy adik na ako. :P so ayon, binigyan niya ako ng sked. after non ay nagpax-ray na ko. tae nga eh kasi ang tagal namin dahil masyado raw akong matangkad at baka di kayanin ng 2 films..X) so ayon, pinagkasya parin nya. ang hirap nga eh kasi ang tagal kong hindi humihinga.. as in breathe out. ang hirap non kaysa sa naka breathe in ka noh?:P after non nagutom na kami kasi gabi na so ayon, kumain kami sa finio.
nung gabi na, ano ba yan! pagkanagdadasal ako nagsesenti ako. :( so ayon, naiyak ako kasi toot*. anyway, nanaginip ako. nung first day of classes, nagchecheck ng attendance ung teacher namin tas wala doon sa list ng truth ang name ko, kaya umalis ako papunta sa reg. nadaan ako sa ibang rooms tas nung natapat ako sa photon, sabi nila photon daw ako. pero ewan ko ba naglakad pa rin ako tas nung matapat naman ako sa gluon, sila naman nagsabi na gluon ako.. haha! tas pumunta ako kay sir ed para maconfirm kung ano ba talaga section ko pero ayon, sabi niya kung lilipat ako either sa photon or gluon ay hindi na ako magiging webdev. ngek. after non, napaisip ako pero di ko na maalala kung ano ung decision ko. :) narealize ko na ayoko nang magdecide kasi mahirap din eh. okay na rin ako sa section ko. okay na ko sa truth. :D
ano ba tong mga panaginip na toh..