Blogging is a Burden <body>
10/1/06
~!@#$%^&*()_+

let's just make it part by part.

wednesday.092706

~uaap
naaasar ako dahil may ticket si jake for uaap. magaabsent pa nga raw siya bukas para doon. swerte niya dahil walang LT. kaasar. inisip ko kung pwede pa kaya kami ni nikki na magabsent, pero malamang nga naman ay sold-out na yun.
ang ganda kasi ng first game ng ateneo at ust. grabe. 1.2sec. na lang, nakashoot pa si kramer, so ayon, nanalo tuloy sila. excited na akong magbukas para mapanood ko sila. ang gwapo talaga ni chris tiu.

!PCBS
after our last class, diretso kami agad ni revee sa dorm para mag-ayos kasi aalis kami. punta kaming PCBS. bibili kasi siya ng gift sa sister niya. ako naman, para sa mom ko dahil birthday na niya sa friday. so ayun, nagpajak kami hanggang sa MRT. pero naglakad pa kami ng konti. basang-basa shoes, socks at feet ko. yuck. anyway, gulat ako kasi hindi kami sardinas gaano sa MRT. okay naman ung trip. bumaba kami sa cubao station, tas nag stairs.. at ayon lang pala ung store!:D namili na ako ng pwede kong bilin kasi maloloka ka dahil sa dami ng choices. nagtagal kami. dapat kasi book bibilin ko sa mom ko, pero narealize ko na kakabili pa lang niya ng sandamakmak na christian books kaya huwag na yun. hanggang sa naghanap ako dun sa hindi books area:) at napunta ako sa mga cards. i thought na feeling ko mas maaappreciate pa niya yun. so binili ko siya. may pinakita sakin si revee na book tungkol sa sa ibang religions, mga teachings nila, at ang mga mali nito. shocks. un ang hinahanap kong libro. sabi ko nga sa sarili ko gagawa ako ng ganoon.. pero naunahan na pala ako.:P tas naalala ko rin ang tatay ko dahil gusto niya un. kaya binili ko rin siya para sa tatay ko.
all in all, binilhan ko ang mom and dad ko, hindi ang sarili ko. grabe. kahit na kakakuha ko pa lang ng stipends non.. eh kasi, may once and future king pa eh!:) tsaka, may devotional book nanaman ako. so yun. natapos din kami mga 4:30 na at inisip namin ay BS time na. late na kami.

@BS
bumalik kami ng pisay mga magfafive na. pumunta kami sa grabdstand. nakakatawa kami ni revee kasi para kaming ewan na magkadikit dahil nagaagawan kami sa payong. isipin mo na lang un. pagdating namin dun, hindi pala sila ung mga nandon. so inisip namin na baka nasa comsci unit sila. kaya dumiretso kami dun. hindi na namin sinarado ang payong. may part pa nga don na maputik. yuck. wala naman pala sila sa comsci. kaya dumiretso na kami ng caf. finally, nasa caf pala sila! may meeting ang core. wala pala kaming BS. tas, sabi ni kuya dave, may possibility na walang pasok bukas dahil may typhoon na darating. grabe ang saya ko. inisip ko na ang str, uaap at chris tiu.

#wala raw pasok
punta ako agad ng dorm dahil nga basa ung paa ko. grabe. basa nga socks ko. pagtingin ko, nakalock ung room at may ilaw sa room kung saan andon ang mga daga nila anne. andon sila anne at belly. may gianwa kaming kababalaghan:D anyway, after nun ay pumunta kami sa room at may tao pala, si jess. hindi mo kasi aakalain na meron dahil nakapatay ang mga ilaw at sobrang dilim. nagdadasal ako na sana wala talagang pasok. so ayon. kuamain muna kami ni anne sa caf. tas wala na raw pasok. kala namin joke. bumalik na kami ng dorm tas tinanong namin kay mam yumol. sabi niya kasi di pa raw yun sure. tas,, after as few minutes ay may nagpage.. "gurls, wala na raw pasok bukas..". ang saya ko dahil ung str report namin ay mamumove at may mas time pa kami na maglab. at syempre, makapapanood ako ng uaap, kahit man lang sa tv.:D

thursday092806

$walang current
paggising ko, excited ako para sa game mamaya. tatamad-tamad pa akong maligo. actually, kaming dalawa ni anne. mga bandang 9:30, nawalang ng kuryente. tas akala ko saglit lang. nagpunta kami nila anne at jess sa caf para magbreakfast (na umabot hanggang lunch). di pa kami naliligo. so ayun. nagplaplano kami na lumabas at manood ng firstdayhigh. hindi naman ako pinayagan, pati ata si anne. at tinamad na rin naman kami. pagkatapos naming kumain, nagdududa na ako dahil wala pa ring kuryente. grabe. pinagdadasal ko naman na sana ay walang uaap. sana di matuloy. kaasar. kamalasan. joke.
badtrip dahil first day ko.

%once and future hail the king
wala kaming magawa.. at wala rin kaming dapat gawin kundi ang mga requirements. isa na dun ang once and future king. ang corny niya. nakakalokang basahin. nagstart ulet ako kagabi from scratch dahil tagal ko na siyang binasa. so ayon, basa lang nang basa nang basa:D may time na ang mga nasa room ay ako, anne, mich at janel. si janel at mich, nasa kama ko. si anne, nasa kama niya. at ako ay nakay nikki.. hehe:) ang tahimik namin grabe. talgang nagkoconcentrate sa pagread ng book. hanggang sa tiningnan ko sila dahil naaantok-antok na ako. grabe, tulog na pala ang mga balyena! ako na lang ang gising. kaya nagroomhop ako kayla mari. andon lang si mari at peach. nung nagising na silang mga tulog, nag-aya na silang kumain. sumama na kami ni anne kasi kami na lang ang maiiwan sa dorm kahit na busog pa kami. so ayon, punta kami ng caf. ang dilim. punta na lang kami sa front ni anne habang sila ay nasa caf.

^hail
basa ang mejo loob ng shb. maraming dahon-dahon na nakakalat sa paligid. pagdating namin doon, grabe ang lamig. super. para kang naka-aircon na super high. inayos namin ni ang ang mga bench in such a way na pwede naming itaas ang mga paa namin. dumating sila muy at mich at sumama samin. napagusapan namin ung mga kagagahan nila. lalo na ung hail part. para silang mga tinga. may biglang bumating na bmw. ang nakasakay pala ay si mam vea. ang yaman niya sobra. grabe. andon kami hanggang sa hindi na namin mabasa ang mga letters dahil sa dilim.

&preparation
punta kaming caf dahil kami naman ni kajutan ang kakain. naubusan kami ng kanin at ulam. so tumambay muna kami dun sa table nila hustin. kinausap ako nila mich at moi na may practice daw for paner at sunod na lang sa dorm. so pumila na kami ni anne dahil humahaba na ang pila. naglaro kami ng nanay,tatay na gamit ang sa.wa.lo.pat na pagbilang. ang saya pala niya! so ayon, nakakatuwa kasi parang naging candlelight dinner. binilisan ko ang pagkain para sa practice.

(practice
pagdating, tanong sila kaagad kung ano ang pwedeng kantahin for him na alam naming gitarahin. tagal kong nagisip.. tas naisip ko ung when you say nothing at all. tas nag isip-isip pa kami ng kung anu-anong gimik. actually, sila lang pala un. hanggang sa dumami na nang dumami ang mga tao sa lobby namin. dapat sana gagawin namin ung plan sa BRHM pero andon na rin lang sila kaya don na rin ginawa. grabe, nakakakaba.

)for you, paner
hindi na namin alam ang gagawin nung pumasok na si andrew, natataranta na kami. ang dami pang tao na nanood. ewan ko ba kung paano nagstart, basta ang style is CAT. tinatamad na akong magtype kaya magbasa na lang kayo ng blog ni andrew. yay!

_sisterhudatsardinas.
after ng presentation ay nag-ayos na kami para matulog. may 3 kaming inampon sa room. sila mari, mich at moi. ang mag magkakatabi: akomoi, nikkimari at annemich. magisa si jess. anyway, inaya kami na manood ng movie sa baba dahil may mga matutulog doon dahil may ilaw daw. nanood kaming mga magkakasama. basta madami kami. di ko na kasi maalala kung sino-sino kami basta may 2 o8 at kasama si mam physics. alam ko na naman ung sisterhood dahil kapapanood ko lang sa hbo nung isang saturday. ayoko siya as a movie, kaasar kasi sila lena at bridget. after the movie, kumain kami ng clover at cookies saka nagtoothbrush. sobrang tinitipid ko ung batt ng cel. nakakatuwa kasi ang dami namin sa room. saya.

+katabi ko
kami ang magkakwentuhan ni moi. syempre, siya ung katabi ko. grabe. sobrang nagkwekwentuhan kami hanggang sa mag12 para batiin ng happy birthday sila andrew at nanay ko kasi 29 talaga bday nila. katxt pa nga ni moi si pascua eh. kala ko walang kuryente samin tapos meron pala. alam din pala ni moi ung without a paddle na movie na si anne lang ang nakakaalam sa room namin. ang gwapo daw dun ni shaggy ng scoobydoo. tas, super comedy pa raw kaya gusto ko tuloy mapanood!:( kwento kami ng kwento. may ilaw pa nga sa labas na weird kasi nakakatakot. pero para siyang isang higanteng spotlight sa kung saan na tumatama sa room namin. kung hindi kami tumahimik ay di pa kami makakatulog.


Profile
JACQUELINE ANDAN.
jaki, jaky,
jackstone, darling.:)
bulacan.
cdsp, pisay, archer.:D
woman of God.

Tagboard

> timang na tibo

web site traffic counters
weirdos..

Credits
-ambulance - thank you for the base codes.
sheryl- designer
image-it's the art of brush-spamming dearie(:
1234-brushes