Blogging is a Burden <body>
6/19/07
DLSU CHORALE

grabe. naaalala ko pa nung nagauditions ako..
gabi na non. tas, tinext na kami nung taga-chorale. tinatanong niya kung pupunta ba kami. nagdalawang isip pa ako noon. kaso inisip ko, wala namang mawawala if i try. at gutom na rin ako nung time na un. so kumain muna kami. :P
mga 7 na nung pumunta kami sa sps bldng. 5th floor daw. kala naman namin may elevator, kaso ala pala. so nagstairs kami. hingal na ako nung napuntang 5thflr. kinakabahan.
tinext namin na nasa labas na kami. kinuha ang application forms. at, pinapasok na ako. shit.
at un. ok naman. tahimik ang lahat. ung mga chorale members pala manonood habang tinetest ako. haha.
so aun, binasa nya ung form ko. nalaman ng org adviser na ako pala ay may experience na kahit papaano nung bata ako dahil nagvoice lessons ako dati. pero ang tagal na non promise.
mamaya-maya lamang ay nagtugtog sya sa piano ng series of notes, na dapat kong gayahin. nung mga bandang una, madali lang. pero nung mga nasa gitna na, grabe. sorry ako nang sorry kasi feeling ko mali ako kasi ampangit nung pineplay nya dahil para bang sintunado sa melody kasi 2nd voice. pero nakukuha ko naman pala. haha. pero may time naman na ung una nyang ginawa eh ginawa ko nung iniba naman nya ung pangalawa. haha. hindi ko maexplain pero basically, napagpalit ko ung dalawa.:P
after non, pinakanta niya ako ng piece ko. grabe. nung una nga hindi ako makapagdecide kung ano kakantahin ko. pero buti na lang at naalala ko si "on my own". so un ung kinanta ko. at buti na lang din hindi mo kailangan tapusin ung song kasi medyo nawawala ako dun sa mataas na part. haha:P
actually, nanginginig-nginig pa ako non eh. sa sobrang kaba. buti na lang at nakangiti sakin papaano ung members kasi nakaharap ako sa kanila eh. at para bang makikita mo sa mga mukha nila na sinasabihan akong, "kaya mo yan, okay ka..". haha. yak. XP
at natapos na rin ang auditions. grabe. ewan ko ba. sabi ko nga eh bahala na kung papasa or what. basta pinangako ko sa sarili ko na if i will pass, kakaririn ko na ang chorale.
1 week na. ala pa rin balita sa auditions. grabe. akala ko nakalimutan na kami. haha. tinext nga ni anne kung kelan malalaman. sabi naman within this week, which is last week. so naghintay ako. haha. pero mukhang ala pa rin eh. hanggan sa dumating na ang friday, ang aking berday.:P syempre ung mga natanggap ko puro greetings from people. hay naku. inisip ko na last day na of the week kaso ala pa ring text kaya sabi ko, no chance ako!:P
after classes, nagsign-up kami ni anne sa mga orgs sa may SJwalk. aun. haha. wala lang. pero after non, pumunta na kami ng condo para mag-ayos ng gamit pag-uwi. tiningnan ko ang phone ko kung nagtext na ba ang nanay ko. hanggang sa sumigaw ako! kasi, may natanggap akong text na nagsasabi ng "Congratulations! you passed the auditions for DLSU chorale!" WAAAAAH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! hehe:P
at may kasunod pa sya.. "please attend the practice tonight. thanks!"..
at aun, hindi ako nakapunta. hahaha. pero sa totoo lang 3 lang pala ung pumunta non. haha. short notice din kasi eh. so aun. natutuwa ako kasi pumasa pala ako. waaaaaahhhh T_T
so aun, may orientation sa monday. 6-9PM. at komo beginners kami, practice namin is MwF 6-9pM LAGI. at kung regular member na, EVERYDAY 6-9 ng gabi!! kamon naman. haha. tas ito pa, may POSSIBILITY na malate ako ng 1SEM! no way! gusto ko ngang mapadali ung paggraduate ko tas ganito?! waaaah! well, sabi samin nung tagachorale, malalaman ko na rin daw un pagka-member na ako at talaga namang mafifeel ko ang devotion ko dito balang araw. well, depende rin naman din sakin un eh. grabe. di ko na alam. haha.
pero syempre naman, may benefits ang pagiging chorale. isa na dito ang financial aid. kamon naman. kaso, paghahati-hatian pa ng chorale members un. haha. tsaka sa 2ndyr ko lang makukuha ung ganong opportunity. nyak. isa pa ay ung modified cwts. as in ung mga kasama sa CAO groups na may mg cwts din eh magsasama-sama at gagawa ng cultural ekek. haha. exciting sana kaso gusto kong magstay sa block kaya ok lang. kaso ang kainaman naman daw nito is kasi minsan may saturday practices kaya pwede akong mag-absent or something.
aun.haha. nakakaiyak. isang malaking karangalan pala ang pagpasa dito. kasi naman, out of 29 pips na nagaudition, 9 lang ang nakuha. naman. kamon. haha. kaso wala naman talaga silang kinukuhang number.. i mean hindi naman 9 lang talaga ung kukunin nila. basta ang kinuha naman nila ay ung mga talaga namang deserving at sa tingin din nila ay magtatagal sa chorale. grabe. naiiyak ako. haha.
at dahil nga pumasa ako dito, hindi ko na alam ang gagwin ko. gusto ko nang karirin ito. haha. kaso sobrang makaka affect siya ng malaki sa studies. hay naku. bahala na nga. haha. basta pinagpray ko rin naman kay God na kung pumasa man ako, talagang pangchorale ako.
actually, mas gusto ko nga pala innersoul kaso tinamad akong mag-auditions. haha. at feeling ko mas marami akong kakompitensya don eh. nyak.
gusto ko na ring maging active sa orgs ngayong college kasi para bang ang saya. marami ka pang nakikilala. dadami friends mo. gaya sa chorale, kaming 9 nga palang pumasa eh naging 7 na lang kasi nung nalaman nung 2 ung sked, medyo nagipit sila at feeling nila di nila kakayanin. grabe. kaming 7 nga pala medyo close na rin. haha. sana walang magquit samin. at sana naman, maging proud samin ang chorale balang araw.:D

Profile
JACQUELINE ANDAN.
jaki, jaky,
jackstone, darling.:)
bulacan.
cdsp, pisay, archer.:D
woman of God.

Tagboard

> timang na tibo

web site traffic counters
weirdos..

Credits
-ambulance - thank you for the base codes.
sheryl- designer
image-it's the art of brush-spamming dearie(:
1234-brushes