6/20/07
H-O crisis
late na itong post na toh kaso gusto kong magbuhos ng damdamin ko eh. hehe
anyway, june18. monday morning, ginising ako ng roommates ko. gulat naman ako. haha. sabi nila katapusan na ng mundo. tas ako naman, akala ko kung ano. kaso, un pala eh wala pala kaming tubig. as in buong condo ng burgundy transpacific place, WALA. kamon. san naman kami maliligo niyan? paano na kami?
so aun, nag-isip kami ng mga tao na malapit lang sa condo kung saan pwedeng maligo. unang naisip si enrique. as in don enrique razon sports complex.XP hindi ako pumayag kasi nakakahiya naman at pupunta lang kami don para maligo. tas naisip ko ung mga taga-UP manila. so tinawagan ko muna si shayne, hindi ko makontak. so ang sinunod kong tinawag si pito, hindi ko rin makontak. inisip ko na baka may klase mga intarmed kaya tumawag na lang ako kay henson. yes! sinagot nga niya! kaso lang, walang tao sa bahay nila. waaaaahhhh....
at buti na lang at naaalala ni alyssa na meron syang tita na malapit lang ang bahay. so aun, tinawagan niya pero hindi niya makontak. grabe, nakakailang tawag na at wala pa rin. until finally after 10 yrs okay na! kala nga namin babagsak kami kay enrique.XP
grabe. buti na lang talaga at 1250 pa pasok namin non kundi, baka ilang absent na kami ni anne.. haha.
so nung gabi naman, nagchorale ako. usapan namin na pupunta kami sa mga taga-UP manila para don na kami maligo sa gabi. tas aun, tinext ako ni anne na may nadiscover silang mas malapit, bahay nung classmate nila ni alyssa non elem! akalain mo ba naman ang pagkakataon.. at aun, buti na lang at may nahanap nga silang mas malapit kasi gabi na nong natapos akong sa chorale. syempre, inisip ko na kung saan kami maliligo kinabukasan kaya kinontak ko sila shayne at ziella kung pwede. actually, pwede raw magpa-overnight kaso bawal magpapaligo. haha. tas napag-usapan namin na tatakas na lang kami sa dorm nila na maligo. bahala na.
so kinabukasan, usapan kasi namin 530 AM kaso 545 na ako nagising! waah! at nagtxt na si shayne kung asan na kami ni anne. kamon naman. so aun, nagmadali kami kasi baka makagambala pa kami ng mga tao.
ang alam lang namin na address is ung kayla pito kaya dun kami pumunta. tinawagan ko kasi si shayne kaso hindi ko talaga siya makontak. pagpasok namin, sabi nila lovely at ziella, bawal talagang makiligo sa kanila. so nagmakaawa ako kay ryan, kasi sya lang ung asa baba non, na kung pwede dun na lang kami maligo. buti na lang pumayag sya. haha. nakakahiya din naman kasi puro boys ang nakatira sa bahay na un. nahihiya din ako kasi para bang hindi ako nagpa-alam at basta-basta na lang ako na magpapakita don para maligo. hehe. salamat na talaga ng sobra at nakaligo kami ni anne! at nameet ulit namin ang mga dating pisay piplets. haha
so after maligo bumalik kami ng condo. and guess what kung sino ang nakita namin sa baba na nag-igib ng tubig?? si DINO IMPERIAL! grabe talaga. ang cute niya. feeling ko nahalata niyang tumitingin ako sa kanya kaya ningitian niya ako. wahahahaah!!!
anyway, edi nag-isip na kami ni anne kung ano gagawin namin in case na wala pa rin tubig bukas. inisip namin na bumili ng balde. sabi ko sa robinson's na kami bumili kasi baka ubos na sa sm dahil malamang dun nagsibilihan ung mga tao. so aun, nakasama pa namin si alyssa. bumili kami ng 2 timba na may takip. nag-inquire pa kami sa fitness first. kamon. at nakita pa namin si irish na naggym don! haha.
so aun. asa taxi na kami papauwi. biglang may nagtext kay alyssa na may tubig na. kamon naman. 2 pa ung timbang binili namin. well anyway, at least may tubig na kami. at ang saya rin naman ng aming adventure na un.:D