Blogging is a Burden <body>
6/16/07
sweet sixteen

yuck. june14 pa lang ng gabi, nagdradrama na ako. sabi ko kayla anne and alyssa, "marami kayang babati sakin? marami bang nakakaalam?" yak. hahaha. natatawa ako sa sarili ko. masyado raw napraning? haha.:P
tas naisip ko, TAE. 16 na ako!! hindi na 15 ang isusulat kong age pagka may forms. shocks. ang tanda ko na! waaah!
hindi ko to ma-take. hahaha.
anyway, in fairness naman before my birthday, kinareer ko ung filkomu. kaso may mga jokejoke lang don para humaba at wala na rin kasi akong masabi. haha.
after naman non, narealize ko na 10:30 na at hindi pa ako nag-aaaral ng trig. masyado kong naibuhos ang sarili kong pag-iisip sa paggawa ng essay sa national museum. haha.
buti na lang, nung maaga-aga pa natulog muna ako kaya medyo narecharge ung energy ko.
nag-aral na ako ng trig. tas sabi ni anne matutulog lang sya pag birthday ko na. tas na praning nanaman ako. haha.
pagkabuklat ko ng notebook ko. putek. ang haba ng coverage! tas hindi pa nga sure kung may quiz nga ba non sa friday kasi hindi naman kami nagmeet nung monday. so no choice ako kundi mag-aral para maging ready. tas hindi pa pala binanalik ni steve ung dapat nyang ipaxerox. kaya nag isip-isip pa ako ng mga nakalagay don. nyak.
tas aun, birthday ko na pala. hindi ko namalayan dahil sa kakaisip ko ng mga kung anu-anong kabaliwan gaya ni descartes. at walang nagtetext. hay. inisip ko na lang na tulog na ung mga tao at bukas sila maggrigreet. pero medyo nagdrama na ako non. :))
hindi pa ako tapos mag-aral pero natulog na ako kasi inaantok na talaga ako. kaya sabi ko, bahala na. baka naman pinahihirapan ko lang sarili ko.
so kinabukasan, nagising ako. mga 6am non. pero ang alarm ko 9:35 dahil 12:50 pa naman pasok namin. pagtingin ko sa phone, may tumatawag. si moi. haha. panglawang tawag na pala nya. hindi ko naman nasagot. tas after non, meron pala akong 6 new messages. hay. natahimik na ang drama. haha. so aun, natulog muna ako. at di ko pa nga pala binasa ung messages kasi hindi ko pa naman sila marereplyan eh.
so aun, nagpakabit nga pala kami ng cable sa condo! yey! haha. wala lang. pero habang ginagawa un tsaka ko naman tinext ung mga tao.:D
tas aun, pumasok na kami ni anne. tuwa naman ako kasi ginreet ako ng blockmates ko. hahaha. ang babaw ko naman. XP
trig first subject namin. tas nag lecture sya. haha. hindi natuloy ang inexpect kong quiz. nalugi ako kasi nagpuyat pa ako. pero mas nalugi si anne kasi talagang hindi pa niya ginawa ung filkomu for trig eh. hayy..
so nagcramm si anne.
at aun, after ng classes, nagsign-up na sa mga orgs. math circle, rotaract at dapat chemSoc kaso nagsara na ung booth nila. sana meron pa sa monday. :c
at aun, pagkabalik ng condo, nagbasa ako ng mga texts. wow! grabe. i cant believe what i just read non.. "congrats! you passed dlsu chorale!" at may practice mamayang 6-9. eh ang plano namin lalabas kami ng family ko. so sinabi ko na lang un. at short notice din ung message nila. haha. grabe talaga. akala ko hindi na ako papasa kasi sobrang kinakabahan ako nung auditions pero aun naman. grabe. MWF 6-9PM. kakayanin ko ba un?! sana may time pa akong mag-aral.. haha.
so aun, nagmoa kami. kumain. at umuwi. grabe. ang saya ko naman nung araw na un. ang babaw ko. haha. XP

Profile
JACQUELINE ANDAN.
jaki, jaky,
jackstone, darling.:)
bulacan.
cdsp, pisay, archer.:D
woman of God.

Tagboard

> timang na tibo

web site traffic counters
weirdos..

Credits
-ambulance - thank you for the base codes.
sheryl- designer
image-it's the art of brush-spamming dearie(:
1234-brushes